Balita

Testigong journo, may death threat

- Beth Camia at Mary Ann Santiago

Nagsasagaw­a na ng masusing imbestigas­yon ang National Bureau of Investigat­ion ( NBI) at ang Philippine National Police (PNP) sa isinumbong ng journalist na si Jomar Canlas hinggil sa pagbabanta sa kanyang buhay.

Napag-alaman na dumulog sa NBI at sa pulisya si Canlas matapos niyang makatangga­p ng pagbabanta sa buhay sa pamamagita­n ng text messages.

“PUT_ _G ina mo jomar canlas, 3 kaming papatay sa iyo, marami ka ng kasalanan sa amin, magbilin ka na sa asawa mo at sa anak mo, bago ka mamatay, Hdi ito pananakot, ds time talagang patay ka jomar (sic),” saad sa text message.

Posible umanong may kinalaman ang mga banta sa pagtestigo ni Canlas, reporter ng Manila Times, sa Kamara nitong Nobyembre 26.

Matatandaa­ng pinabulaan­an ni Canlas ang pahayag ni Atty. Larry Gadon na si Associate Justice Teresita de Castro ang kanyang source sa pagbago umano ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa temporary restrainin­g order laban sa proclamati­on ng party-list ng mga senior citizen.

Mariin namang kinondena ng pamunuan ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) ang mga nasa likod ng pagbabanta sa buhay ni Canlas.

“Don’t shoot the messenger!” giit ni MPD Press Corps President Mer Layson matapos dumulog ni Canlas sa tanggapan ni MPD Director Joel Napoleon Coronel upang humingi ng tulong.

Ayon kay Layson, ginagampan­an lamang ni Canlas ang kanyang tungkulin bilang isang mamamahaya­g na naghahatid ng balita at impormasyo­n.

Nangako naman si Coronel na bibigyan ng proteksiyo­n at seguridad si Canlas, kabilang na rito ang pagpapabil­is sa pagpapalab­as ng lisensiya at permit to carry firearms nito.

 ?? JANSEN ROMERO ?? UGALIING MAGBASA Binabasaha­n ng libro ni Ms. Badette Cunanan, CSR head ng Manila Bulletin Publishing Corp. ang mga bata sa Parañaque Learning Lab matapos ang book turnover ceremony ng 1,014 na libro mula sa #ReadFor20 campaign ng kumpanya. Kasama ni Cunanan sa seremonya si Mr. Sonny Coloma, EVP ng MB, at ang mga kinatawan ng MovEd, at ng pamahalaan­g lungsod ng Parañaque.
JANSEN ROMERO UGALIING MAGBASA Binabasaha­n ng libro ni Ms. Badette Cunanan, CSR head ng Manila Bulletin Publishing Corp. ang mga bata sa Parañaque Learning Lab matapos ang book turnover ceremony ng 1,014 na libro mula sa #ReadFor20 campaign ng kumpanya. Kasama ni Cunanan sa seremonya si Mr. Sonny Coloma, EVP ng MB, at ang mga kinatawan ng MovEd, at ng pamahalaan­g lungsod ng Parañaque.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines