Balita

Pension applicatio­ns , 2 taong tinulugan –Marquez

- Ni CHARISSA M. LUCI-ATIENZA

Tumestigo si Supreme Court Administra­tor Jose Midas Marquez sa House impeachmen­t panel na simula nang nilikha ang Special Committee on Retirement and Civil Service Benefits at dalawang technical working groups noong 2015 at 2016, walang survivorsh­ip pension applicatio­ns na inaksiyunn­an sa loob ng dalawang taon.

Sinabi niya na kahit na nilagdaan nina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Associate Justices Antonio Carpio, at Presbitero Jose Velasco Jr. ang paglikha sa special committee, ang pagtatag ng TWGs ay solong direktiba ni Sereno. Ang unang TWG na naglalayon­g salain ang mga applicatio­n ay inistablis­a noong Disyembre 22, 2015, habang ang ikalawang TWG at itinatag noong 2016.

“After the committee was created, umabot na sa dalawang taon baka madesisyun­an ang applicatio­n,” ani Marquez sa House Committee on Justice sa ikalimang pagdinig sa pagtukoy sa probable cause kung dapat o hindi dapat i-impeach si Sereno.

“From October 2015 to November 6, 2017, no applicatio­n was acted upon, more or less mga two years, one month and five days po yun,” aniya.

Sinabi niya dahil sa napakarami niyang natanggap na kahilingan para bilisan ang paglabas ng pension benefits ng judges at justices, lumiham siya kay Sereno noong Enero 12, 2017 “[to] treat the matter immediatel­y.”

Sinabi niya na natanggap ng opisina ni Sereno ang liham nang araw ding iyon, ngunit hindi ito inaksiyuna­n.

“Wala pong nangyari, walang sagot,” aniya nang tanungin ni Pampanga Rep. Juan Pablo Bondoc kung kumilos si Sereno sa liham.

Nang tanungin ni Quezon City Rep. Quezon City Rep. Vincent Crisologo kung ang pagkaantal­a sa paglabas ng pension benefits ay dapat na isisi sa court en banc at hindi kay Sereno, sumagot si Marquez na, “puwede natin alam kung saan natutulog.”

Sa kanyang impeachmen­t complaint, inakusahan ng abogadong si Larry Gadon si Sereno na inantala ang paglabas ng survivorsh­ip benefits kay Dolores Colayco, ang biyuda ni CA Justice Jose Colayco.

Binanggit din niya ang itinalagan­g abogado ni Sereno para mamuno ng TWG na may hawak sa pension at survivorsh­ip benefits na si Atty. Jocelyn Fabian.

Dahil dito, naglabas ang panel ng subpoena kay Fabian para obligahin siyang dumalo sa pagdinig ngayong araw( Disyembre 6).

Sinabi ng kampo ni Sereno na walang “illegal” at “anomalous” sa paglikha ng dalawang TWGs.

“At nais din namin linawin na ang desisyon patungkol sa mga applicatio­n for retirement benefits ay hindi lamang ginagawa ni chief justice alone. Supreme court en banc po ang nagdedisis­yon,” diin ng ng tagapagsal­ita ni Sereno na si Atty. Josalee Deinla.

‘SHUT UP’ GADON

Kinastigo ng mga mambabatas kahapon si Gadon at sinabihan siyang manahimik at iwasang maglabas ng mga walang basehang alegasyon na makakaapek­to sa integridad ng impeachmen­t proceeding­s at paninirang-puri sa Senate impeachmen­t court.

Tinawag ni AKO BICOL partylist Rep. Alfredo Garbin Jr. ang atensiyon ni Gadon kaugnay sa mga alegasyon nito na mayroong “oligarch” na nagbabalak suhulan ng mga magiging senator judges ng P200 milyon para iabsuwelto ang punong mahistrado.

“I advise Mr. Gadon to keep his mouth shut if he cannot verify his claims,” aniya sa pagdinig ng House panel.

Ipinanukal­a din niya na i-cite for contempt si Gadon sa mga sinabi nito. Inutusan ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng House Committee on Justice, si Gadon na magsumite ng paliwanag sa loob ng limang araw kaungnay sa mga alegasyon nitong panunuhol sa senator-judges.

Nag-demand pa si Garbin ng apology mula kay Gadon kung hindi nito mapapatuna­yan ang kanyang mga alegasyon.

Sinita rin si Gadon ni Antipolo City Rep. Romeo Acop at Quezon City Rep. Vincent Crisologo.

“Atty. Gadon, please shut up your mouth, para hindi mapasama ang proceeding­s dito,” sabi naman ni Crisologo, na sumang-ayon kay Garbin na dapat i-cite for contempt si Gadon.

 ??  ?? Marquez
Marquez

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines