Balita

Ex-Yemen president Saleh patay sa pananamban­g

-

SANAA/DUBAI (Reuters) – Napatay ang beteranong si dating president Ali Abdullah Saleh sa roadside attack nitong Lunes matapos lumipat ng panig sa civil war ng Yemen, tinalikura­n ang Houthi na kakampi ang Iran, pabor sa Saudi-led coalition.

Sinabi ng mga analyst na ang pagkamatay ni Saleh ay malaking moral boost para sa Houthi at matinding dagok sa Saudi-led coalition na nakialam sa gulo para maibalik ang kinikilala ng mundong gobyerno ni President Abd-Rabbu Mansour Hadi.

Hinarangan ng RPG rocket ng mga mandirigma ng Houthi ang armored vehicle ni Saleh sa katimugan ng kabiserang Sanaa at binaril siya hanggang mamamatay. Naglabas ng pahayag ang General People’s Congress (GPC) party na nagluluksa sa pagpanaw ng lider.

Kumalat sa social media ang imahe ng duguang bangkay ni Saleh, 75 anyos, na binalot ng kumot at isinakay sa pickup truck, ilang araw lamang matapos niyang putulin ang alyansa sa Houthi kasunod ng tatlong taon na magkasama nilang nilabanan ang Saudi-led coalition.

Sinabi Houthi leader Abdul-Malek al-Houthi na ang pagkamatay ni Saleh ay tagumpay laban sa Saudi-led bloc at “black day for the forces of the aggression”.

Kasunod ng pagkamatay ni Saleh, nanawagan si Hadi sa “Yemeni people in all provinces still suffering under this criminal and terrorist (Houthi) militia to rise in its face ... and cast it out.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines