Balita

Mister pinosasan sa panunutok kay misis

- Jun Fabon

Sa selda ang bagsak ng isang lalaki, na pinaniniwa­laang sanglaan ng iba’t ibang uri ng armas, nang tutukan niya ng baril ang kanyang misis sa Quezon City, iniulat kahapon ng pulisya.

Sa report ni Police Supt. Rossel Cejas, hepe ng Batasan PoliceStat­ion 6, kinilala ang suspek na si Emmanuel Villa Delgado y Mendoza, 62, contractor, tubong Butuan City at nakatira sa No. 127 Desiderio Street, Don Jose Subdivisio­n Barangay Commonweal­th, Quezon City.

Inaresto si Delgado ng mga operatiba ng QCPD PS6 matapos ireklamo ng panunutok at umano’y pamamaril kay Abigail Torrevilla­s y Bongaos, 42, sa loob ng kanilang bahay.

Sa imbestigas­yon ni SPO1 June Abogado, lasing umano ang suspek at nagtalo sila ng biktima na nauwi sa panunutok ng baril, 12:00 ng hatinggabi.

Hindi nagdalawan­g-isip si Abigail na magsampa ng reklamo sa nasabing himpilan ng pulisya at agad inaresto ng mga pulis, sa pamumuno ni PSI Sandie Caparoso, si Delgado.

Bukod sa cal .45, nakumpiska rin sa bahay ni Delgado ang iba’t ibang uri ng baril, mga granada at iba pang pampasabog na pawang hinihinala­ng isinangla sa kanya.

Sasampahan si Delgado ng kasong Attempted Homicide; paglabag sa RA 10591 o Comprehens­ive Law on Firearms and Ammunition; at RA 9516 o Illegal Possession of Explosives.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines