Balita

3 tiklo sa buy-and- sell ng aso

-

GAPAN CITY, Nueva Ecija - Nahaharap ngayon sa paglabag sa Animal Welfare Act of 1998 ang tatlong katao, kabilang ang isang binatilyo, makaraang masangkot sa “buy-and-sell” ng buhay na aso, sa Barangay Bayanihan sa Gapan City, Nueva Ecija, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ang suspek na sina Ar-Magdag Pabustan, 26, tricycle driver; Joel Mabao y Mabongga, 31, constructi­on worker, kapwa residente ng Bgy. San Roque, San Leonardo; at isang 15 taong gulang na lalaking estudyante.

Ayon kay Madria, humingi ng tulong si Allen Pekitpekit, researcher/ investigat­or ng Animal Kingdom Foundation Inc. na nakabase sa Capas, matapos makatangga­p ng impormasyo­n na may gumagala umanong grupo na namimili at nagbebenta ng mga aso sa lungsod.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ni Madria na humantong sa pagkakaare­sto sa mga suspek, na nasamsaman ng 10 aso na isinakay sa tricycle.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines