Balita

Kelot tigok sa nakamotors­iklo

- Rizaldy Comanda Light A. Nolasco

SAN LEONARDO, Nueva Ecija - Patay ang isang 45-anyos na lalaki makaraang pagbabaril­in ng armadong nakamotors­iklo, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ni Chief Insp. Ranny Casilla ang biktimang si Loreto Cuevo y Pangilinan, residente ng Barangay Mallorca, na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at kaagad na namatay.

Dakong 5:35 ng hapon at nakatayo ang biktima sa compound ni Lingkod del Rosario, ng nasabing barangay, nang biglang sumulpot ang isang nakamotors­iklo at pinagbabar­il ang biktima bago tumakas.

May hinala ang pulisya na “love triangle” ang motibo ng pamamaril habang patuloy pa ang imbestigas­yon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines