Balita

Nanggulpi ng misis, kalaboso

- Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac - Matinding bugbog sa katawan ang inabot ng isang ginang sa Jefmin Village, Barangay Dutung Matas, Concepcion, Tarlac, nang mapagtripa­n ng kanyang lasing na asawa, nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa report, dahil sa matinding bugbog na inabot ay isinugod sa Concepcion District Hospital ang 53-anyos na ginang makaraang gulpihin ng 45-anyos niyang mister.

Nauna rito, nakipag-inuman ang lalaki kaya umalis sa bahay ang ginang upang makaiwas sa away.

Hindi nadatnan ng mister ang asawa nang umuwi sa bahay, at nang dumating ang biktima bandang 9:20 ng gabi ay binugbog ito ng suspek sa harap ng kanilang mga anak.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines