Balita

ABS-CBN, nanguna pa rin noong Nobyembre

-

ABS-CBN pa rin ang pinakatinu­tukang network ng mas maraming Pilipino sa buong bansa noong Nobyembre sa naitala nitong average audience share na 46%, kumpara sa 34% ng GMA, ayon sa viewership survey data ng Kantar Media.

Hindi nagpadaig ang Kapamilya Network sa bawat parte ng bansa, partikular na sa Mega Manila sa nairehistr­o nitong average audience share na 37%, kumpara sa 34% ng GMA, at sa Metro Manila -- 41% versus 27% ng GMA. Tinutukan din ang ABSCBN sa Total Luzon sa naitalang 44%, laban sa 35% ng GMA; sa Total Visayas -- 54% versus 27% ng GMA; at sa Total Mindanao -- 49% versus 34% ng GMA.

Nananatili­ng numero uno top shows ang FPJ’s Ang Probinsyan­o (41.1%) ngayong mas tumitindi

na ang aksiyon at haharapin ni Cardo ( Coco Martin) ang samasamang pagsugod ng kanyang mga kalaban. Tinutukan din ang La Luna

Sangre (33.8%) at pinag-usapan at pinupuri pa rin sa social media ang trending na eksena nina Malia ( Kathryn Bernardo) at Jacintha ( Angel Locsin).

Patuloy din ang pamamayagp­ag ng TV Patrol ( 33.7%) at buong buwan na hinangaan ang kakaibang talento ng kabataan sa Little Big Shots (30.2%).

Pinagmumul­an naman ng aral at inspirasyo­n ang pinakabago­ng kuwento ng Wansapanat­aym (29.8%) na “Jasmin’s Flower Powers” na pinagbibid­ahan nina Janella

Salvador at Elmo Magalona. At patuloy na naaantig ang mga manonood sa mga kwento ng

totoong buhay ng letter senders sa Maalaala Mo Kaya 25 (27.1%). Humihigpit ang pagkapit ng mga manonood sa Wildflower (25.5%) at pasok din sa listahan ang comedy shows na Home Sweetie Home ( 25.3%) at Goin’

Bulilit (23.4%). Samantala, panalo rin ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks sa buong araw, partikular na sa primetime block na nakakuha ng average audience share na 51%, o 19 na puntos ang lamang sa 32% ng GMA.

ABS- CBN din ang nanguna sa morning block (6AM-12NN) at nagkamit ng average audience share na 41%, laban sa GMA na may 31%; sa noontime block sa pagrehistr­o nito ng 47%, kumpara sa GMA na may 34%; at afternoon block sa pagkuha nito ng 42% at tinalo ang GMA na may 40%.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines