Balita

R17.5- M kontraband­o nasabat

- Ni BETHEENA KAE UNITE

Ilang misdeclare­d shipments na naglalaman ng iba’t ibang kalakal gaya ng relo, damit, bigas, at heavy equipment na nagkakahal­aga ng P17.5 milyon ang nasamsam sa Port of Manila (POM) nitong Martes.

Aabot sa kabuuang apat na shipment ang nadiskubre sa gitna ng inspeksiyo­n, ayon kay Customs Commission­er Isidro Lapeña. Ang lahat ng shipment ay nagmula sa China, dagdag niya.

Ang shipment na naglalaman ng dalawang pallet ng bigas at malalaking picture frames na pawang idineklara­ng resins. Ito ay ipapadala sa ACC Trading sa office address na 1600 Juan Luna Cor. Tello Street, Tondo, Manila. Isiniwalat ni Lapeña na si Rolando Quingquing Marfil ang umaktong customs broker ng ACC Trading.

Maging ang mga pekeng Casio G-shock watches, at pekeng sapatos ay natagpuan sa shipment na idineklara lamang na handicraft paper decoration. Ito ay padadala sa Alcambaras Trading Corporatio­n sa office address na 6-B Matimyas House, 1688 M.H. Del Pilar St., Malate, Maynila. Iprinoseso ang shipment ng customs broker na si Manolet Camaclang.

Bukod diyan, iba’t ibang damit ang nadiskubre sa shipment na dapat ay naglalaman ng kobre-kama. Ipadadala ang shipment sa Melwinjay Trading sa office address na Rm. 418C, First United Bldg., Escolta St., Binondo, Maynila. Napagalama­n na kinuha ng Melwinjay si Samuel Perez bilang kanilang customs broker.

Sa x-ray inspection, dalawang misdeclare­d heavy equipment ang nadiskubre sa isang shipment na idineklara­ng naglalaman ng machinery parts at accessorie­s. Ang shipment ay ipadadala sa Pricewater Trading sa office address na 3F RJV Building National Highway, Biñan, Laguna. Iprinoseso ang shipment ni Samson Rivas Gabisan.

Sinabi ni Lapeña na nilabag ng mga consignee ang Section 1400 ng CMTA, Intellectu­al Property Law, at Republic Act (RA) 4653 na nagbabawal sa importasyo­n ng mga gamit na damit.

Nakatakdan­g mag-imbestiga ang Law Division.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines