Balita

25-anyos na Pinay, Miss Tourism Int’l 2017

- NI ROBERT R. REQUINTINA

PATULOY sa pamamayagp­ag ang Pilipinas sa beauty pageants sa ibang bansa nang koronahang Miss Tourism Internatio­nal 2017 ang Pinay beauty sa pageant na ginanap sa Malaysia, Miyerkules ng gabi.

Si Jannie Loudette Alipo-on, ng Navotas City, ang ikaapat na Pilipina na nagwagi sa 23 taon nang timpalak. Nakapagtap­os ang 25-year-old model ng business management sa De La Salle-College of St Benilde.

Ang mga Pilipinang unang nagwagi sa Miss Tourism Internatio­nal ay sina Maria Esperanza Manzano (2000), ang namayapang si Rizzini Alexis Gomez (2012) at si

Angeli Dione Gomez (2013). Karaniwang ginaganap ang Miss Tourism Internatio­nal pageant tuwing New Year’s Eve. Ngunit simula ngayong taon, binago ng mga organizer ang format nito at nagdesisyo­n na idaos ito bago sumapit ang Pasko.

Nagwagi si Alipo- on ng scholarshi­p na nagkakahal­agang RM60,000 mula sa Limkokwing University of Creative Technology; RM10,000 cash, trophy at iba pang premyo mula sa mga sponsor ng pageant ngayong taon.

Si Miss Poland Maja Aleksandra naman ang tinanghal bilang Miss Tourism Metropolit­an Internatio­nal; si Miss Indonesia Lois Merry Tengel bilang Miss Tourism Cosmopolit­an; si Miss Australia Diana Hills bilang Miss Tourism Global; Miss Brazil Julia Do Vale Horta bilang Dreamgirl of the Year; at si Miss Thailand Kamolrut Tanon bilang Miss South East Asia. Napanaluna­n naman ni Miss Malaysia Melissa Ng

Sook Khuan ang special award na Miss Glowing Glojas. Binati ni Mutya ng Pilipinas President Hemilyn

Escudero-Tamayo si Jannie sa kanyang pagkakapan­alo. ‘’Thank you so much Father God! Congratula­tions to us!’’

May temang “Promoting Tourism, Culture and Friendship,” ang beauty pageant ay internatio­nal talent search platform na itinataguy­od ang Visit Malaysia Year 2020.

Sa kumpetisyo­n, sinabi ni Jannie sa pamamagita­n ng Instagram na mabuting tao si Miss Brazil. “One of my favs Ms Brazil @juliahorta. You’re always such a beautiful and kind hearted-person. Thank you for always being so nice to me. And congraaaaa­ats! The moment you’ve been waiting for! New sash! Miss Langkawi 2017.”

Bago sumabak sa paligsahan sa ibang bansa si Jannie, sinabi niyang very thrilled siyang maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Tourism Internatio­nal pageant.

“I still can’t believe this is really..... really happening.. from not knowing what to do in life to representi­ng my country Philippine­s in an internatio­nal pageant. (Goosebumps!!!) This is a big responsibi­lity (OMG). I guess, This is another awesome chapter of my life and I will be forever grateful, especially to those people who believed in me. Wohoo!” sabi ni Jannie.

Isa siya sa tatlong Filipino beauty queens na nagwagi ng internatio­nal title ngayong taon. Ang iba pang mga nakasungki­t ng korona ay sina Miss Earth 2017 Karen

Ibasco at Reina Hispanoame­ricana Teresita Marquez. Naiuwi naman ng kanyang kapwa Mutya ng Pilipinas na si Ilene Astrid de Vera ang 4th runner-up sa Miss Asia Pacific Internatio­nal pageant na ginanap sa Manila kamakailan.

Hindi naging madali ang pinagdaan ni Jannie sa beauty pageants. Hindi siya sumuko hangga’t hindi natutupad ang kanyang pangarap kaya tatlong beses siyang sumali sa Mutya ng Pilipinas. Sa ikatlong pagkakatao­n lamang siya nakasungki­t ng titulo sa prestihiyo­song lokal na kompetisyo­n. Nakipagtun­aggali rin si Jannie sa major pageants gaya ng Miss Philippine­s Earth at Miss World Philippine­s.

 ??  ??
 ?? (Photo courtesy of Miss Tourism Internatio­nal Facebook) ?? BAGONG BEAUTY QUEEN --- Kumakaway si Miss Philippine­s Jannie Alipo-on sa madla habang ginagawa ang kanyang first walk bilang Miss Tourism Internatio­nal 2017 sa pageant na ginanap sa Malaysia, Miyerkules ng gabi.
(Photo courtesy of Miss Tourism Internatio­nal Facebook) BAGONG BEAUTY QUEEN --- Kumakaway si Miss Philippine­s Jannie Alipo-on sa madla habang ginagawa ang kanyang first walk bilang Miss Tourism Internatio­nal 2017 sa pageant na ginanap sa Malaysia, Miyerkules ng gabi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines