Balita

Singil sa kuryente tinapyasan

- Mary Ann Santiago

Maagang Pamasko ang good news ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga consumer nito hinggil sa pagbaba ng 38 sentimo kada kilowatt hour (kWh) sa singil sa kuryente ngayong Disyembre.

Ayon kay Meralco Spokespers­on Joe Zaldarriag­a, ang pagbaba ng singil sa kuryente ay dulot ng mas mababang presyo ng kuryente at pagbaba ng singil sa generation charge, gayundin ang pagtaas ng halaga ng piso kontra dolyar.

Sinabi ng Meralco na mas maganda ang sitwasyon ng power grid noong Oktubre kaya nagkaroon ng reduction sa singil ngayong Disyembre.

Dahil dito, ang mga consumer na kumukonsum­o ng 200kWh kada buwan ay magkakaroo­n ng P76 bawas sa kanilang bayarin, habang ang mga kumukonsum­o ng 300kWh ay mababawasa­n ng P114 sa electricit­y bill.

Para naman sa kumukonsum­o ng 400kWh, mababawasa­n sila ng P152, at ang mga gumagamit ng 500kWh ay may tapyas na P190.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines