Balita

Sunshine, pumalag sa blind item

- Ni NITZ MIRALES

NAG-REACT na si Sunshine Cruz sa napakapang­it na blind item na lumabas sa isang blog tungkol sa kanila ng boyfriend na si Macky Mathay.

Sa interview sa isang entertainm­ent site, nakiusap si Sunshine ng, “Spare my children and get your facts straight. I don’t deserve the nasty comments being thrown to me by your followers. Macky and I are responsibl­e parents and we don’t deserve this from you.”

Ayaw naming idetalye ang blind item dahil hindi maganda lalo na sa parte ni Sunshine, ang puwede lang naming isulat ay may involved na dining table.

Tama si Sunshine, hindi niya kapuri-puri ang comments ng netizens na nakabasa sa blind item. Nakakaloka dahil detalyado ang pagkakasul­at na para bang may talagang nangyaring ganu’n.

Dagdagan pa ng comments ng netizens na paniwalang-paniwala sa blind item at may mga nag-“yuck” pa.

Hindi na nag-react si Macky at hinayaang si Sunshine na lang ang mag-react para sa kanilang dalawa.

 ??  ??
 ??  ?? Sunshine
Sunshine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines