Balita

Special courts sa EJK suportado ng SolGen

- Beth Camia

Suportado ni Solicitor General Jose Calida ang pagtatalag­a ng special courts na tututok sa mga kaso ng extra-judicial killings (EJK).

Ipinahayag ito ni Calida matapos talakayin sa oral arguments sa Korte Suprema ang dalawang petisyon laban sa war on drugs.

Iginiit din ni Calida na kumpiyansa siyang mananatili ang suporta ng nakararami­ng Pilipino sa kampanya ng Duterte administra­tion kontra ilegal na droga.

Aniya, mapatutuna­yan ito sa resulta ng SWS survey 87 porsiyento ng mga Pinoy ay suportado pa si Pangulong Duterte.

Nitong Martes, tinapos ng Korte Suprema ang oral arguments at binigyan ang Office of the Solicitor General at ang petitioner­s ng 60 araw para magsumite ng kanilang memorandum at pagkatapos nito ay submitted for decision na ang kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines