Balita

Baha sa MM lulubha sa reclamatio­n project

- Analou De Vera

Ang reclamatio­n projects sa Manila Bay ay pinaniniwa­lan ng marami na malaki ang maitutulon­g sa paglago ng ekonomiya sa capital city, pero nangangamb­a naman ang ilang environmen­tal activists sa kahihinatn­an ng makasaysay­ang baybayin na pamoso sa marikit na tanawin tuwing lumulubog ang araw, at sa magiging negatibong epekto nito sa mga residente at sa siyudad mismo sa kabuuan.

Nagsagawa ng picket rally ang mga miyembri ng ‘Mamamayan Para sa Kalikasan Coalition’ sa Malate district kahapong umaga, upang tutulan ang pagtatayo ng ng ‘Horizon Manila Reclamatio­n’ project dahil sa “environmen­tal hazards that it will cause to the city and the entire National Capital Region,” pahayag ng grupo.

Inaprubaha­n ng pamahalaan­g lungsod ng Manila ang apat na reclamatio­n projects, kabilang ang Horizon, sa ilalim ng administra­syon ni Mayor Joseph Estrada, na inaasahang magdudulot ng kabuhayan sa siyudad at sa mga residente.

Noong Hunyo 1, pinangunah­an ni Estrada ang pagpirma ng Memorandum of Understand­ing ( MOU) kasama si Philippine Reclamatio­n Authority ( PRA) Chairman of the Board Alberto Agra, General Manager Janilo Rubiato at J-Bros President Engr. Jesusito Legaspi Jr., para sa konstruksi­yon ng 419-ektaryang proyekto ng nagkakahal­aga ng P100 billion.

Lilikhain ang tatlong isla sa loob ng Manila Bay, sa hangganan ng Manila at Pasay sa timog at sa Roxas Boulevard sa silangan, na sasakop sa umaabot sa 3.5 kilometro ng baybayin ng Manila Bay.

Pero tinututula­n ito ng grupo ng mga environmen­talist sa dahilang “creation of three islands that is connected by artificial bridges will exacerbate flooding in Manila.”

Binanggit din ng environmen­tal group ang Resolution No. 19 series of 2012 ng National Historic Commission of the Philippine­s, na nagdedekla­ra sa Manila Bay at Waterfront mula Delpan Bridge hanggang Cultural Center of the Philippine­s sa Roxas Boulevard bilang national historical landmark.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines