Balita

NoKor nagbabala ng digmaang ‘di maiiwasan

-

SEOUL (AP) – Sinabi ng North Korea na naghihinta­y na lamang ng oras ang nuclear war sa Korean Peninsula, sa patuloy nitong pagbabatik­os sa malaking joint military exercise ng United States at South Korea.

Sinabi rin ng North Korea na kinumpirma sa “bellicose remarks” ng matataas na opisyal ng US, kabilang si CIA Director Mike Pompeo, ang layunin ng Amerika na makipagdig­ma.

Sinabi ni Pompeo nitong Sabado na naniniwala ang U.S. intelligen­ce agencies na hindi alam ni North Korean leader Kim Jong Un kung gaano siya kahina sa loob at labas ng bansa. Sinabi ng tagapagsal­ita ng North Korean Foreign Ministry na ginagalit ni Pompeo ang bansa sa “impudently criticizin­g our supreme leadership.’’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines