Balita

‘Eliminate’ UK citizens na umanib sa IS –defence chief

-

LONDON (AFP) – Dapat hanapin at paslangin at hindi na hahayagang makabalik sa bansa ang British citizens na nakikipagl­aban para sa Islamic State, sinabi ni bagong defence minister Gavin Williamson sa Daily Mail kahapon.

‘’Quite simply, my view is a dead terrorist can’t cause any harm to Britain,’’ aniya sa tabloid. ‘’We should do everything we can do to destroy and eliminate that threat.’’

Tinatayang 800 British passport holders ang bumiyahe sa Iraq at Syria -- 130 ang nasawi, 400 ang nagbabalik, at 270 pa ang nananatili sa Middle East.

Nangako si Williamson na tutugisin at hindi na papayagang makabalik sa Britain ang mga mandirigma­ng tumakas patungo sa ibang bansa.

‘’Make sure there is no safe space for them, that they can’t go to other countries preaching their hate, preaching their cult of death,’’ aniya sa Mail.

Inilabas ang panayam ilang oras matapos humarap sa korte sa London ang dalawang lalaki na kinasuhan sa planong pagpatay kay British Prime Minister Theresa May.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines