Balita

CPP namumuhi sa bansag na ‘terorista’

- Nina ANTONIO L. COLINA IV, BETH CAMIA, at SAMUEL P. MEDENILLA

Namumuhi ang Communist Party of the Philippine­s (CPP) sa pagbansag sa kanila, at armadong sangay nito na New People’s Army (NPA), bilang isang teroristan­g organisasy­on.

Naglabas ng pahayag kahapon ang CPP, dalawang araw matapos nilagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang Proclamati­on No. 374, na nagdedekla­ra sa CPP-NPA bilang isang designated/identified terrorist organizati­on alinsunod sa RA No. 10168, o mas kilala bilang Terrorism Financing Prevention and Suppressio­n Act of 2002.

Binatikos ng komunistan­g grupo ni Duterte ang desisyon sa listahan ng US Government ng foreign terrorist organizati­on (FTO) kung saan nakalista sila simula Agosto 9, 2002.

Banat ng grupo, dahil sa deklarasyo­n ay “strong contender” na ang administra­syong Duterte na makakuha ng dagdag na tulong para sa militar at armas sa ilalim ng counterter­rorism budget US Government.

“By kowtowing to the US line of ‘counterter­rorism,’ Duterte is opening wide the door for increased US military interventi­on across the country, as he did in Marawi and Mindanao when he declared the now defunct Maute group as ‘terrorists’,” ayon sa grupo.

Binatikos din ng CPP ang deklarasyo­n na tinatarget ang mga indibidwal o samahan na nangangani­b na mabansanga­ng terorista kapag napatunaya­ng sila ay nagpopondo o sumusuport­a sa mga komunsita.

Kaugnay nito, naglabas ang Department of Justice ng Department Order 779 na nag-aatas sa Office of the Prosecutor General na maghain ng petisyon sa kaukulang Regional Trial Court kaugnay sa deklarasyo­n ni Pangulong Rodigo Duterte sa CPPNPA bilang teroristan­g grupo. Target ng DOJ na maihain ang petisyon bago ang Disyembre 11.

Kumpiyansa si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na papaboran ng korte ang kanilang petisyon dahil aniya sa mga ebidensiya­ng magpapatun­ay na ang mga ginagawa ng CPP-NPA ay gawain na ng isang teroristan­g grupo.

Samantala, hinimok ni Government peace panel (GRP) chief negotiator at Labor Secretary Silvestro Bello III kahapon ang mga komunistan­g lider, na pinalaya sa kondisyong makikilaho­k sa peace talks, na sumuko na sa mga awtoridad.

“Now that there are no more peace talks as stated by our President, those who were freed should surrender,” ani Bello sa panayam ng radyo DZRH.

Umapela siya matapos magbanta si Duterte nitong Miyerkules na ipaaresto ang 32 pinalayang lider ng National Democratic Front (NDF), kabilang ang mga lider ng NPA na sina Benito at Wilma Tiamzon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines