Balita

Vatican, France at Cambodia envoys inistima ni Digong

- Argyll Cyrus B. Geducos

Nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagnanais na mas tumibay pa ang relasyon sa Vatican, France, at Cambodia nang tanggapin niya ang credential­s ng mga ambassador ng tatlong estado, nitong Miyerkules.

Ayon sa Malacañang, inistima ni Digong ang bagong Papal Apostolic Nuncio Most Reverend Gabriele Caccia, at si bagong France Ambassador to Manila Nicolas Galey na kapwa nagpresint­a ng kanilang credential­s sa Pangulo.

Sinabi ni Duterte sa bagong Apostolic Nuncio na nais ng Pilipinas ng mas matatag na relasyon sa Vatican.

Binanggit niya kay Galey ang pagnanais ng Pilipinas na magpapatul­oy ang partnershi­p sa France at nagpasalam­at sa tulong “in fighting terrorism.”

Natuwa si Duterte sa pagbisita ni Cambodian Minister on Foreign Affairs and Internatio­nal Cooperatio­n (MFAIC) Prak Sokhon, at sinabing nais ng bansa na mas tumibay pa ang relasyon sa Cambodia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines