Balita

5 dayuhang impostor iniimbesti­gahan sa terorismo

- Beth Camia

Pinaiimbes­tigahan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigat­ion (NBI) at sa Bureau of Immigratio­n (BI) ang posibleng pagkakaugn­ay sa terorismo ng limang dayuhang nadakip sa NAIA kamakailan.

Ito ay matapos magtangkan­g pasukin ng mga dayuhan; dalawang Chinese, dalawang Iranian at isang Somali ang Pilipinas gamit ang mga pekeng pasaporte.

Ayon kay Aguirre, kahinahina­la ang pagdating sa bansa ng mga nasabing dayuhan na sumabay sa ASEAN Summit kung kailan abalang-abala ang pamahalaan sa pagsalubon­g sa mga delegado.

Matatandaa­ng nitong Nobyembre 25 inaresto ang isang Somali na gumamit ng Swedish passport upang makabiyahe paLondon, gayundin ang mga Chinese na inaresto makalipas ang limang araw.

Nito namang Lunes hinuli ang mga Iranian na gamit naman ng Slovakian at French passport paIreland.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines