Balita

Walo dinakma sa gambling den

- Orly L. Barcala

Walong katao ang inaresto matapos salakayin ng mga pulis ang pasugalan sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Sa report kay Mayor John Rey Tiangco, kinilala ang mga inaresto na sina Noel Vidallo, 54; Froilan Dela Paz, 47; Efren Dela Cruz, 51; Rochie Alfaro, 38; Efegenia Gauinion, 54; Nida Biling, 42; Jennifer Fabian, 22; at Princess Joy Castor pawang ng Barangay North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod.

Nakatangga­p ng text message ang mga tauhan ng Mayor’s Action Team mula sa “text JRT” o “i-text mo kay Mayor John Rey Tiangco” tungkol sa pasugalan sa lugar, bandang 2:15 ng hapon.

Agad sinalakay ng mga pulis ang bahay ni Castor at Biling at naaktuhan ang mga suspek na nagsusugal ng baraha.

Kakasuhan ng illegal gambling ang mga inaresto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines