Balita

Umayaw sa sugal sinaksak

- Orly L. Barcala

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa kritikal na kondisyon ang isang 54-anyos na lalaki matapos saksakin ng kanyang kasugal dahil sa pag-ayaw sa Malabon City kamakalawa.

Unang dinala sa Ospital ng Malabon bago inilipat sa Tondo Medical Center si Arnold Arnibal, ng Luna Street, Barangay San Agustin ng nasabing lungsod.

Tumakas naman ang suspek na si Joel Rebato, 41, kalugar ng biktima.

Sa report ni PO1 Joenel Claro, naglalaro ng “pusoy” sina Arnibal at Rebato, kasama ang isa nilang kapitbahay, sa labas ng bahay ng una.

Tumayo si Arnibal at umayaw kaya nagalit si Rebato hanggang sa nagkaroon ng mainitang diskusyon.

Sa puntong iyon, bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima.

Kinasuhan si Rebato ng frustrated homicide.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines