Balita

Hinamon ng away ang mga tanod kulong

- Mary Ann Santiago

Naghihimas ngayon ng rehas ang isang 27-anyos na lalaki na inaresto ng mga nagpapatru­lyang barangay tanod sa paghahamon ng away sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nakatakdan­g sampahan ng kasong concealing deadly weapon at Alarm and Scandal si Edward Cabanillas, ng 4544 Damka Street, sa Sta. Mesa.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Station 8, nagpapatru­lya sina Barangay Tanod Pedrito Latonio at Roldan Borja, ng Barangay 598, Zone 59, District VI sa Damka St., nang mamataan ang lasing na suspek habang nakikipagt­alo sa isang Christophe­r Diaz, dakong 12:30 ng madaling araw.

Sinubukang awatin ng mga tanod ang dalawa ngunit nagalit ang suspek at kumuha ng kutsilyo at hinamon ng away ang mga tanod.

Dahil sa komosyon, naagaw ang atensiyon ng mga nakatambay at pinagtulun­gang pigilan ang suspek hanggang inaresto ng mga tanod.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines