Balita

‘Gun runner na pusher’ huli sa entrapment

- Ni JUN FABON

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) ang umano’y big-time gun runner at tulak ng ilegal na droga sa entrapment operation sa Barangay Culiat, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni QCPD director Police Chief Superinten­dent Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang suspek na si Derek Navado Framil, nasa hustong gulang, ng No. 12 Saint Bernadette Street, Villa Lourdes Subdivisio­n, Bgy. Culiat.

Ayon kay Eleazar, nang matiyak na gun runner at tulak ng ilegal na droga si Framil ay agad ikinasa ang operasyon.

Armado ng search warrant, sinalakay ng mga operatiba ng QCPD PS3 Drug Enforcemen­t Unit (DEU) at ng PDEA RO–NCR ang bahay ni Framil, dakong 12:45 ng madaling araw.

Nasamsam sa bahay ng suspek ang .45 caliber pistol; .38 caliber revolver; assembly magazine ng .45 caliber; mga bala; 30 pakete ng umano’y shabu, na nagkakahal­aga ng P100,000; at mga drug parapherna­lia.

Kasalukuya­ng nakapiit si Framil sa Camp Karingal at kinasuhan ng paglabag sa RA10591, at Sec 11 & 12 ng RA 9165.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines