Balita

16 arestado sa bultu-bultong marijuana

- Rizaldy Comanda

CAMP DANGWA, Benguet – Inaresto ng mga operatiba ng Sabangan Municipal Police sa Mountain Province ang 16 na katao at nakumpiska sa mga ito ang bultu-bulto ng marijuana bricks, stalks, at bowdlerize­d marijuana.

Ayon sa mga report na natanggap mula sa Police Regional Office (PRO)-Cordillera, nakatangga­p ng tip ang pulisya nitong Disyembre 4 ng gabi na isang puting Hi-Ace Grandia (A2-N747) ang bibiyahe sa Sabangan Road patungong Baguio City, at kargado ito ng bultu-bulto ng marijuana.

Nakabantay ang mga awtoridad sa checkpoint sa national road, sa Sitio Todey, Barangay Poblacion, nang maharang ang sasakyan na minamaneho ni Bayani Malang, 54, taga-Tondo, Maynila.

Sa visual search, nakaamoy ng marijuana ang mga awtoridad kaya agad silang naginspeks­iyon at nadiskubre nila ang isang transparen­t cellophane na may hinihinala­ng dahon ng marijuana na tumitimban­g ng 50 gramo, mula sa bag ng isa sa mga pasahero.

Gayunman, tumanggi ang mga pasahero na buksan ang mga bag sa compartmen­t ng sasakyan kaya kumuha pa ng search warrant ang mga operatiba.

Kinilala ang mga pasaherong sina Ricky Pinlac Perez; Marvin Canlas Garza; Miko Flores Miranda; at Jaymar Cruz De La Cruz, pawang 18 anyos; Ezekiel Radin Tiu, 20; Mark Santiago Sarmiento, 21; Niko Cwaling Yumol, 21, lahat taga-Tondo, Maynila; Jireh Rose Daniaguel De La Cruz, 19, ng Montalban, Rizal; Abigail Baldric Del Fierro, 23, ng Project 6, Quezon City; Nneka Anastasia Okonkwo, 23, tubong Nigeria, at taga-San Fernando City; at Stephanie Mangaoang Gapuz, 27, ng San Fernando, La Union. Pawang estudyante ang mga pasahero, bukod sa apat pang menor de edad.

Nang makakuha ng warrant kinabukasa­n, nasamsam ng mga pulis mula sa loob ng sasakyan ang 56 suspected marijuana bricks, apat na bundle ng stalks, at isang plastic na may hinihinala­ng pinulbos na marijuana.

Kaagad na in-inquest ang mga suspek, habang ang mga menor de edad ay dinala sa kustodiya ng Local Social Welfare Office ng Sabangan, samantala sinusuri na ang mga produktong marijuana sa Regional Crime Laboratory Office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines