Balita

Estudyante napagtripa­ng barilin, dedo

- Liezle Basa Iñigo

Tinutugis ng pulisya ang isang lalaki na sangkot umano sa ilegal na droga matapos nitong barilin ang isang estudyante sa Barangay San Antonio, Aparri, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Harold Felipe, residente ng Bgy. Minanga, Camalaniug­an, Cagayan, na bumaril umano sa 17-anyos na 2nd year high school student, ng nasabing barangay.

Dakong 1:00 ng umaga kahapon at sakay sa motorsiklo ang suspek kasama ang mga kaibigan, nang napagtripa­n nitong barilin ang binatilyo, na noon ay nasa kalsada. Namatay agad ang biktima sa tama ng bala ng .9mm. Nabatid na naaresto na noon ang suspek noon sa ibang kaso ngunit nakapagpiy­ansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines