Balita

Pinatay sa taga ng ka-live-in

- Fer Taboy

Kaagad na nasawi ang isang 31-anyos na babae matapos na pagtatagai­n ng kanyang kinakasama­ng lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Sorsogon, nitong Miyerkules ng gabi.

Batay sa imbestigas­yon ng Sorsogon Police Provincial Office(SPPO), kinilala ang biktimang si Chiradee Brandes habang sugatan din ang live-in partner nitong si Rian Ergina, 25, na nagtamo ng mga saksak sa leeg at tiyan, at kritikal ang kondisyon sa ospital.

Sa inisyal na imbestigas­yon, lumalabas na posibleng unang nanaksak si Brandes kaya gumanti si Ergina.

Nakapagsum­bong pa umano ang kanilang apat na taong gulang na anak na pinapatay ni Brandes si Ergina.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines