Balita

8 dinampot sa buy-bust

- Fer Taboy

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) ang walong katao sa ikinasang buy-bust operation sa Bacolod City, Negros Occidental, nitong Miyerkules ng gabi.

Sinalakay ng PDEA ang drug den na umano’y pag-aari ni Carlso Sonico sa Barangay 2, Bacolod City.

Kasamang inaresto sina Kiefer Salmac, Wendyl Sator, Ernie Magbanua, Kerwin Hablero, Wilfredo Diaz, Anthony Cadungo, at isang menor na edad.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 25 sachet ng shabu na nagkakahal­aga ng P150,000.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines