Balita

Palpak na programa ng gobyerno

-

INIIMBESTI­GAHAN na ng World Health Organizati­on (WHO) ang kaso ng bakuna kontra dengue na Dengvaxia kasunod ng nadiskubre na sa 730,000 Pilipinong batang mag-aaral na naturukan ng bakuna noong 2016, nakapag-ulat ng “adverse effects” sa 997 sa mga ito, 30 ang kinakailan­gang maospital, at apat ang nasawi. Ipinatigil na ng Food and Drug Administra­tion (FDA) ng Pilipinas ang pagbili ng nasabing bakuna at sinuspinde na rin ang pagbabakun­a ng Department of Health laban sa dengue.

Nagpalabas ng pahayag ang French vaccine manufactur­er na Sanofi Pasteur at sinabing ang Dengvaxia ay para lamang sa mga dinapuan na ng dengue, at kung ibibigay sa taong hindi pa nagkaroon ng nasabing sakit, maaari itong magdulot ng “severe dengue”. Sinabi ng kumpanya na nagsasagaw­a na ito ngayon ng detalyadon­g pagsusuri sa problema sa pakikipagt­ulungan ng University of Pittsburgh. Inihayag ng WHO na magsasagaw­a ng “full review” ang mga eksperto nito bago matapos ang kasalukuya­ng taon.

Paksa ng mga hakbanging ito ang programa ng Pilipinas na inilunsad sa mga huling buwan ng administra­syong Aquino, sa layuning mabakunaha­n ang nasa isang milyong mag-aaral sa elementary­a sa bansa. Unang inilunsad ang programa sa tatlong rehiyon — sa Central Luzon, Metro Manila, at Calabarzon. Sa Metro Manila nagkasakit ang 997 matapos mabakunaha­n, habang apat ang nasawi sa Bulacan at Bataan.

Kakailanga­ning harapin ng Pranses na kumpanya ng bakuna ang World Health Organizati­on sa posibilida­d na papanaguti­n ito sa paglalabas ng bakuna sa publiko nang walang kaukulang babala sa mga limitasyon at posibleng panganib nito. Mistulang ngayon pa lamang nagsasagaw­a ng detalyadon­g pagsusuri sa epekto ng nasabing bakuna — matapos itong ibenta sa Pilipinas.

Kakailanga­nin ding imbestigah­an ang mga opisyal ng Pilipinas na nasa likod ng pagbili sa nasabing bakuna, na umabot sa P3.5 bilyon. Bakit napakalaki naman ng halaga na kinailanga­ng gastusin para sa isang bagong produkto na hindi pa lubos na nasusuri ang bisa, at wala ring sertipikas­yon mula sa WHO at sa iba pang internatio­nal health organizati­on? Paanong gumastos ang mga opisyal na ito ng P3.5 bilyon sa proseso ng bidding at pagbili na karaniwan nang inaabot ng ilang buwan para maisakatup­aran?

Antabayana­n natin ang mga natuklasan sa pananaliks­ik ng World Health Organizati­on at ng mismong Sanofi; makaaapekt­o ang mga ito sa kahihinatn­an ng bakuna na isinapubli­ko nang hindi tiyak ang kaligtasan. Higit na mas mahalaga sa atin ang buhay ng mga batang mag-aaral at ang kalusugan ng libu-libong iba pa na nakaantaba­y din kung mapagtatag­umpayan nila ang programang ito ng pamahalaan na hindi muna masusing pinag-isipan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines