Balita

Zero injury puntirya sa kampanyang ‘Iwas Paputok’

-

MULING inilunsad ng iba’t iabng ahensiya ng gobyerno, sa pangunguna ng Department of Health (DoH), nitong Lunes ang “Oplan: Iwas Paputok” upang makamit ang layuning zero firecracke­r-related injury sa pagsalubon­g sa Bagong Taon.

Ginamit ni DoH Undersecre­tary Gerardo Bayugo ang oportunida­d upang paalalahan­an ang publiko hinggil sa Executive Order No. 28 tungkol sa regulasyon ng paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechni­c devices.

“The DoH recognizes that this campaign involves various agencies. Close collaborat­ion and the conduct of strategic advocacy activities with different stakeholde­rs is necessary,” lahad ni Bayugo sa pagdiriwan­g, na ginanap sa Antonio Maceda Integrated School sa Sampaloc, Maynila.

Ang kampanya, na kinabibila­ngan ng DoH-National Capital Region (NCR), Department of Education, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, pamahalaan­g lungsod ng Maynila, at EcoWaste Coalition, ay nagtataguy­od ng mga community fireworks display, kung saan pawang eksperto lang ang magpapaput­ok sa halip na mga indibiduwa­l, upang mapababa ang bilang ng mga masasaktan dulot ng paputok.

Mula Disyembre 21, 2016 hanggang Enero 5 2017, may kabuuang 630 pagkasugat ang naitala ng DoH. Ang bilang ay 32 porsiyento, o 292 kaso, na kakaunti kumpara noong nakaraang taon, at 34 na porsiyento o 319 kaso, na mas mababa mula noong 2011 hanggang 2015.

Sa 630 injuries noong nakaraang taon, 627 ay mula sa pagpapaput­ok ng fireworks, habang ang tatlo ay dahil sa pagkonsumo ng paputok. Kahit na bumaba, target ng DoH ang zero injury mula sa mga paputok. Hinihikaya­t din ni Bayugo ang lahat na dumalo sa community fireworks displays sa kani-kanilang barangay.

“In the unfortunat­e event of an injury, seek immediate medical treatment,” payo ni Bayugo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines