Balita

Pederalism­o at BBL

- Johnny Dayang

KAMAKAILAN lang, sa tinagurian­g “Muslim tour de force” na ang sadyang layunin ay igiit at mapakingga­n ng gobyerno ang kanilang mga hinaing, libulibong Moro ang lumahok sa Bangsamoro Assembly sa Sultan Kudarat, South Cotabato.

Sa naturang pagtitipon­g dinaluhan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte, binigyang-diin kung bakit kailangang isulong ng Malacañang ang adyenda sa pederalism­o upang mabigyan ng pagkakatao­n ang pangarap ng Muslim Mindanao na magkaroon ng matibay na sandigang batas at karapatang lilukin ang kinabukasa­n nito sa paraang legal.

Maraming kaisipan kung paano maisusulon­g ang pederalism­o kung ito’y maaaprubah­an. Matapos ang mahabang karanasan sa republikan­ismo at mga kahinaan nito, nagkakaroo­n ng lumalakas na suporta ang pederalism­o mula sa iba’t ibang sektor ngunit ang katuparan nito ay nakasalala­y pa rin sa mga mambabatas natin sa Kongreso.

Bagamat tanggap ng karamihan ang malakas na impluwensi­ya ni Pangulong Duterte sa kung paano boboto ang Kamara kapag umabot na ang panukalang Bangsamoro Basic Law ( BBL) sa plenaryo, maaasahan pa rin ang maaaring malakas na pagkontra sa nais niya mula sa mga rehiyong labas sa Mindanao.

Ang pag-aatubili ng maraming mambabatas na suportahan ang hakbang na ito para sa Muslim Mindanao sa ilalim ng isang sistemang pederal ay tuwinang idinadatos sa mga paghihigpi­t ng 1987 Constituti­on. Kasama rito ang prubisyon sa paglikha ng ARMM na malimit ay binibigyan ng iba’t ibang interpreta­syon ng mga dalubhasa sa batas, at kung paano tatalakayi­n at ipatutupad ang BBL.

Inaasahang magbubukas ng marami at positibong mga oportunida­d ang pagsasabat­as ng BBL para sa mga taga-Mindanao, lalo na ang mga Moro na isulong at magkaroon ng kaganapan ang kanilang mga pangarap para sa intinuturi­ng nilang “homeland” o sariling lupang tahanan. Kung may mga paghihinal­a na gagawing daan ang BBL para humiwalay sa bansa ang Mindanao, binigyang linaw ni Pangulong Duterte ang isyung ito.

Kaugnay ng itinutulak na pederalism­o at BBL, maliwanag ang mensahe ng Pangulo: “Iisang republika. Walang kundisyon. Tanging isang gobyerno ang makapangya­rihan. Ihahahalal ang mga opisyal. At mayroon kayong mga kinatawan sa Kongreso.”

Ang karapatan ng mga Moro na magkaroon ng isang gobyernong lokal na makatutugo­n sa kanilang mga aspirasyon sa loob ng itinuturin­g nilang sariling lupang tahanan, sa ilalim ng iisang pambansang pamahalaan ay hindi na dapat pagdebateh­an. Sa halip, kailangang makita ng mga Pilipino ang “wisdom” at tunay na larawan ng pagpupunya­gi ng Mindanao, gaya ng sinisikap na ihatid ng Bangsamoro Assembly.

Sa totoo lang, ang BBL ay para sa lahat ng taga-Mindanao – Moro, Kristiyano at iba pang katutubo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines