Balita

Moira, unang OPM singer na nanguna sa Spotify

‘TITIBO-TIBO,’ NO. 1

-

MU LA sa kanyang matagumpay na pagsali sa Himig Handog 2017, nanguna naman si Moira dela Torre sa Philippine­s Top 50 charts ng sikat na digital music service na Spotify sa pamamagita­n ng kanyang winning song na Titibo-Tibo.

Ayon sa announceme­nt na inilabas ng Spotify nitong Lunes, si Moira ay opisyal nang nasa pinakamata­as na spot sa Top 50 charts sa bansa, at dahil dito, siya ang pinakaunan­g OPM artist na nagkamit ng kapuripuri­ng tagumpay. Ayon pa sa music streaming site, isinama rin siya sa Top Hits PH playlist + cover feature.

Ang feel-good song na Titibo-Tibo, na komposisyo­n ng Himig Handog grand winner na si Libertine Amistoso, ang unang awiting OPM na nanguna sa Philippine­s Top 50 ng Spotify na dati ay nasosolo lamang ng mga awiting banyaga.

Bukod sa kanyang tagumpay sa Himig Handog, ang 24-yearold musician ay unti-unti nang nakikilala sa larangan ng musika dahil kamakailan ay gumawa rin siya ng bersiyon ng Torete ng Moonstar 88, na naging theme song ng pelikulang Love You To The Stars and Back ng Star Cinema. Siya rin ang umawit ng Malaya na ginamit namang theme song sa pelikulang Camp Sawi noong 2016.

Inaabangan na rin ang paglabas ng kanyang solo album mula sa Star Music na inaasahang ilulunsad sa susunod na taon.

Para sa karagdagan­g impormasyo­n tungkol sa mga show at proyekto ni Moira, bisitahin ang Starmusic.ph, i-like ito sa facebook.com/starmusicp­h, at sundan sa Twitter at Instagram @StarMusicP­H.

 ??  ?? Moira
Moira

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines