Balita

Leila Alcasid, bida sa Myx ngayong Disyembre

-

MULA sa pagsusulat sa blog, sasabak ang budding singer na si Leila Alcasid sa MYX bilang Celebrity VJ ngayong Disyembre.

Higit pa sa pagiging anak ng singer na si Ogie Alcasid sa dating asawa at beauty queen na si Michelle van Eimeren, ang 20- anyos na unti- unting nakikilala bilang next gen it girl ay nagsisimul­a na ring gumawa ng sarili niyang pangalan sa industriya habang inihahanda ang kauna-unahang studio album. Ngayon, hinaharap naman niya ang hosting challenge sa iba’t ibang programa ng MYX tampok ang mga sikat na Pinoy at internatio­nal music.

Haharanahi­n naman ng balladeer na si Christian Bautista ang music fans ngayong buwan bilang “MYX Headliner,” at si Chris Lopez at ang kanyang musical alter ego na si Moophs ay magbibigay buhay naman sa music channel gamit ang kanyang homegrown EDM (electronic dance music) sa ilalim ng “MYX Spotlight.”

Abangan si Leila bilang MYX Celebrity VJ sa Pop MYX hanggang Disyembre 9, Pinoy

MYX sa Disyembre 10 hanggang 16, Mellow MYX sa Disyembre 17 hanggang 23, at My MYX sa Disyembre 24 hanggang 30. Mapapanood ang MYX sa Skycable channel 23. Para sa karagdagan­g impormasyo­n, bisitahin ang www. myxph.com, o sundan ang MYX sa Instagram (@myxph) at Twitter (@ MYXPhilipp­ines).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines