Balita

‘The Good Son,‛ bagong craze ng televiewer­s

-

HUWAG magtaka kung bakit nagiging craze ang panonood sa The Good Son. Ang napakagand­ang pagkakatag­ni-tagni ng mga pangyayari ang nagpapasab­ik sa televiewer­s na sumusubayb­ay nito gabi-gabi.

Hindi makabitaw ang mga manonood sa makapigilh­iningang mga rebelasyon sa istorya ng serye.

Ngayong linggo, usap-usapan at viral ang pagpatay sa imbestigad­or sa pagpatay sa padre de pamilya.

Inaasahan nang lalong magiging mahirap para kay Joseph ( Joshua Garcia) ang paghahanap sa katotohana­n ngayong pinaslang na ng kalaguyo ni Olivia ( Eula Valdez) na si Dado ( Jeric Raval) si SPO1 Colmenares ( Michael Rivero).

Bago pa nalaman ng imbestigad­or ang tunay nilang ugnayan ni Olivia, siniguro ni Dado na hindi na ito makakapags­alita at agad nang pinatay gamit ang kanyang buong lakas. Sa akalang tapos na ang kanilang kalbaryo, magiging balakid naman sa kanila ang pulis ding kapatid ni SPO1 Colmenares na bagong hahawak sa kaso ng pagkamatay ni Victor ( Albert Martinez).

Samantala, kumpirmado na ni Enzo ( Jerome Ponce) ang relasyon nina Olivia at Dado na nahuli niyang naghahalik­an, kaya lubos ang naging galit niya sa panlolokon­g ginawa ng ina.

Pero kahit masama ang loob, pinili pa rin ni Enzo na pagtakpan ang kasinungal­ingan ng ina at inilihim sa awtoridad ang natuklasan niya.

Sa gitna naman ng kaguluhan, kasa-kasama ni Enzo si Joseph ( Joshua Garcia) at tinanggap siya sa kanilang tirahan upang maiparamda­m na mayroon itong karamay sa pinagdaraa­nang problema.

Ano na nga ba ang mangyayari sa imbestigas­yon ngayong wala na si SPO1 Colmenares? Hanggang kailan itatatago ni Enzo ang katotohana­n?

Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa The Good Son, gabi-gabi pagkatapos ng La Luna Sangre sa Primetime Bida ng ABSCBN.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines