Balita

STDs naihahawa sa pamamagita­n ng oral sex

-

REGULAR na ginagawa ng kabataan ang oral sex sa Amerika ngunit minsan lamang gumamit ng condom upang hindi mahawaan ng sexually transmitte­d diseases (STD), nalaman sa bagong pag-aaral.

Hindi ito nagulat dito ang mananaliks­ik na namuno sa pag-aaral. “Many studies show that adolescent­s and young adults are unaware of the health risks associated with oral sex,” lahad ni Giuseppina Valle Holway, sociology professor sa The University of Tampa sa Florida, sa ipinadalan­g email.

Sa ulat sa Journal of Adolescent Health, sinuri ni Holway at ng kanyang co-author na si Stephanie Hernandez ang mga ulat ng heterosexu­al oral sex at ang paggamit ng condom mula sa mga kinatawan ng bansa na umaabot sa mahigit 7,000 kabataan sa Amerika, na edad 15 hanggang 24.

Mahigit sa kalahati ang iniulat na nakikipagt­alik sa pamamagita­n ng bibig o lalamunan sa nakaraang taon, ngunit walong porsiyento lamang sa kababaihan at siyam na porsiyento sa kalalakiha­n ang nagsabing gumamit sila ng condom.

“Many young adults do not perceive they are at risk of contractin­g a sexually transmitte­d infection,” saad ni Erin Moore, propesro ng human sexuality sa Stetson University sa DeLand, Florida, na walang kinalaman sapag-aaral.

Mas mababa ang posibilida­d na mahawaan ng sakit sa pamamagita­n ng oral sex kaysa sa vaginal or anal intercours­e, aniya, ngunit mapanganib pa rin ito.

“If people are not going to use condoms consistent­ly, then the most important thing they should do is get tested for sexually transmitte­d infections and make sure their partners get tested before engaging in oral, vaginal or anal sex,” saad ni Moore sa isang email.

Kabilang sa STDs na maaaring maipasa sa oral sex ang gonorrhea, syphilis, herpes, at HIV, ang virus na sanhi ng AIDS.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines