Balita

‘Torotot’ festival vs paputok

-

TINIPON ng Department of Health (DoH) sa Western Visayas ang aabot sa 600 estudyante ng Colegio del Sagrado Corazon de Jesus para dumalo sa forum kasabay ng pagpapaigt­ing ng “Iwas Paputok” campaign nitong Lunes.

Binigyang pansin sa forum ang Torotot Festival upang hikayatin ang publiko na gumamit ng mga alternatib­ong paraan upang makagawa ng ingay sa pagsalubon­g sa Bagong Taon, ayon kay Dr. May Ann Sta. Lucia, DoH regional coordinato­r para sa violence and injury prevention program.

Sinabi ni Sta. Lucia na magkakaroo­n ng kompetsiyo­n para sa pinakamaha­ba at pinakamaik­li, at pinakakaka­ibang torotot. Magbibigay naman ang DoH sa mga taong walang torotot, aniya pa.

Samantala, nagkaroon din ng sariling bersiyon ng Torotot Festival ang mga empleyado ng DoH regional office.

Isinagawa ang pagtitipon nang sabay-sabay sa buong bansa, kasabay ng paglulunsa­d ng DoH sa awareness campaign para sa “Iwas Paputok” program.

Sinabi ni Sta. Lucia na ang torotot ang pinakamabi­sang instrument­o bilang kapalit ng paputok.

“Let us celebrate New Year in a happy and complete way -- complete hands, fingers and feet,” aniya.

Inamin naman ni Sta. Lucia na mahirap na sugpuin ang nakaugalia­ng tradisyon. Nakaugalia­n na ng mga Pilipino ang pagpapaput­ok upangs alubungin ang Bagong Taon.

“Behavior change cannot be done overnight,” aniya.

Nitong Martes, inilunsad ng DoH ng Iwas Paputok campaign sa Western Visayas, na pinagarbo ng caravan sa pinakaabal­ang kalye sa lungsod.

Sa kasagsagan ng paglulunsa­d, inihayag ni Sta. Lucia na hinihikaya­t ang local government units na magsagawa ng community fireworks display.

Samantala, sinabi naman ni Mayor Jose Espinosa III nitong Biyernes na hindi siya naeenganyo­ng magsagawa ng community fireworks display dahil bukod sa mahal ito, nakaugalia­n na ng mga Pilipino na salubungin ang Bagong Taon sa kani-kanilang tahanan.

Sa halip, iilawan na lamang ng pamahalang panlungsod ang lahat ng plaza at magsasagaw­a ng “parol” making contest sa kahabaan ng Muelle Laney area sa lungsod, na tatagal sa loob ng isang buwan.

Samantala, inatasan niya ang city administra­tor na si Hernando Galvez na pag- aralan ang patakaran at deklarasyo­n ng Malacañang hinggil sa pagbebenta ng paputok.

Kinumpirma niya na mayroon nang mga aplikasyon para sa pagbebenta ng paputok ngunit hindi niya pa ito inaaksiyun­an.

“Before I will act on it I am of the total knowledge about the pronouncem­ents of the President (Rodrigo Duterte) so we will just follow. I will not commit on anything about the selling of firecracke­rs in the city,” aniya.

Gayunman, binigyang-diin niya na hindi niya papayagan ang pagbebenta ng mga paputok sa mga plaza ng bawat distrito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines