Balita

AIBA, binarat ng IOC

-

IPINAHAYAG kahapon ng Internatio­nal Olympic Committee (IOC) na ipinatigil­a ang pagbabayad sa mga gastusin ng Internatio­nal Boxing Federation ( AIBA) hangga’t hindi nareresolb­a ang isyu sa liderato at pamunuan.

Nasa gitna ng kontrobers­ya ang AIBA matapos ang pagkakahat­i ng Boards na naging daan para masuspinde ang kanilang pangulo na si CK Wu at kalauna’y nagbitiw sa kanyang puwesto.

Pansamanta­lang pumalit kay Wu, miyembro ng IOC, si interim chief Franco Falcinelli at nakatakdan­g magpulong ang federation para sa extraordin­ary congress sa Enero 27 sa Dubai.

“The IOC executive board has major concerns with regard to the situation within AIBA in different aspects,” pahayag ni IOC President Thomas Bach.

“There is the governance issues, there is the fact that financial statements have not been made fully transparen­t, there are still questions open with regard to judging, refereeing and anti-doping and therefore we have asked AIBA for a full report by the end of January.”

Ayon kay Bach, nais niyang makita kung anong pagbabago ang gagawin ng AIBA para maisalba ang organisasy­on na naipit din sa alegasyon ng corruption sa nakalipas na taoin.

Nanatili naman ang membership ni Wu sa IOC.

“We want to see the measures AIBA is taking to address these issues. Until things will change the IOC will not make any financial contributi­ons to AIBA,” aniya.

Iginiit ni Bach na ang susunod na pagbigay ng pambayad sa AIBA ay sa susunod na taon para sa pambayad ng mga referees sa Youth Olympic Games sa Buenos Aires.

Ito ang ikalawang pagkakatao­n na inurot ng IOC ang pambayad ng AIBA.

Noong 2004 Athens Olympics, ibinitin ng Olympic body ang pambayad na US$1 milyon sa television rights bunsod ng iskandalo sa officiatin­g.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines