Balita

Walang gurlis ang NU at Ateneo

-

PATULOY ang pamamayagp­ag ng National University at Ateneo at kapwa nagbabanta para walisin ang first round ng UAAP Season 80 juniors basketball tournament.

Tanging ang Bullpups at Blue Eaglets ang nalalabing koponan na may pekpektong marka sa 5-0.

Ginapi ng NU ang defending champion Far Eastern University-Diliman, 80-68, habang ginulat ng Ateneo ang University of Santo Tomas, 94-63.

Determinad­o sa kampanya na makabawi sa kabiguan sa Baby Tamaraws sa nakalipas na Finals, sinandigan ni Rhayyan Amsali ang Bullpups sa naiskor na double-double averages na 14.4 points at 10 rebounds.

Nakabuntot sina Terrence Fortea ( 13.4 points), Miguel Oczon ( 12.6 points), Matthew Manalang ( 11.6) at Michael Malonzo (10.2).

Hindi naman patatalo ang Eagletss, tampok ang sophomore center na si Kai Sotto para sa imresibong averaged 14.6-puntos, 12.2-rebound at 4.4-block.

Maghihiwal­ay ang landas ng dalawa sa kanilang pagtatagpo­s bukas sa Filoil Flying V Centre ganap na 11:00 ng umaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines