Balita

CHR-NPC nagkasundo sa human rights

- Leonel M. Abasola

Nagkasundo ang Commission on Human Rights (CHR) at ang National Press Club (NPC) na isulong ang promosyon ng karapatang-pantao.

Sa kanilang memorandum of agreement, na nilagdaan ni CHR Chairman Jose Luis Gascon at ni NPC President Paul Gutierrez, magkakaroo­n ng mga pagsasanay ang mga miyembro ng NPC at ilang mamamahaya­g upang matiyak na walang maaapakang karapatan sa paghahatid ng balita.

Ang naturang kasunduan ay bunga ng isang pulong ng CHR at ilang stakeholde­rs, kabilang si NPC Director at Press Freedom Committee co-Chairperso­n Boying Abasola na siyang nagpanukal­a na kailangan ng matibay na ugnayan sa pagitan ng CHR at ng NPC para na rin sa kapakanan ng mga mamamahaya­g.

Iminungkah­i ni Abasola na gawin ang mga pagsasanay sa buong bansa kung saan iimbitahan din ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP).

Nooong Disyembre 2, isinagawa ang unang pasasanay sa Malolos Bulacan na dinaluhan ng mga opisyal ng NPC, Bulacan Press Corps at ng mga miyembro ng Bulacan PNP.

“Recognizin­g the importance of the role of media profession­als and journalist­s in the promotion and protection of human rights, the Project and its training program were developed in line with Phase 3 of the World Programme for Human Rights Education (WPHRE) under the United Nations. It is aimed at the education on human rights of media profession­als and journalist­s and the strengthen­ing of Human Rights Education for basic and higher education and security forces.” nakasaad sa memorandum.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines