Balita

Duterte may pa-Christmas party sa OFWs

- Argyll Cyrus B. Geducos

Magiging Santa Claus si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang overseas Filipino workers (OFWs), sa pinaplano niyang serye ng mga Christmas party para sa kanila sa Malacañang bago matapos ang taon.

Ito ang ipinahayag ni Duterte nang dumalo siya sa taunang “Pamaskong Salubong Para sa OFW” ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers’ Welfare Administra­tion (OWWA) sa Clark, Pampanga para sa napauwing OFWs mula sa Qatar, nitong Huwebes ng gabi.

Gayunman, ipinaliwan­ag ni Duterte na hindi niya makakahara­p silang lahat nang sabay-sabay dahil sa dami ng mga nagbabalik na OFWs, na sa kanyang pagtaya ay nasa 5,000.

“Kasi gusto kong mga-party tayo kaya lang kung limang libo, mag-beach party na lang tayo sa Pasig [River]. Hindi tayo magkasya diyan sa [Malacañang] Limang-libo, saan ko kayo ilagay?” biro ni Duterte.

“Alam kong gusto ninyong umuwi na muna. It could be after [Christmas] na lang. We divide the number. Schedule na lang, one libo per meeting,” dugtong niya.

Hiniling ni Duterte kay DOLE Secretary Silvestre Bello III na atasan ang regional directors nito na magtakda ng petsa kung kailan makakapunt­a ang OFWs sa Malacañang para mag-party.

Sinalubong ni President Duterte ang 34 OFWs na pinauwi mula sa Qatar sa Clark, Pampanga. Gayunman, kinailanga­n nilang hintayin ng dalawang oras ang Pangulo dahil may nauna itong dinaluhang okasyon din sa Clark.

Bumawi naman ang Pangulo sa matiyaga nilang paghihinta­y, at namahagi ng mga Pamaskong cash at appliances.

Ayon sa Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO), walong OFWs ang tumanggap ng P50,000 cash bawat isa, walo pa ang tumanggap ng appliances na nagkakahal­aga ng tig- P10,000 bawat isa.

Limang OFWs ang binigyan ng appliances na nagkakahal­aga ng P3,000 bawat isa, habang 12 ang tumanggap ng special Christmas gifts.

Samantala, apat na OFWs, ang tumanggap ng I-DOLE cards upang hindi na nila kailangang magtiis sa mahaba at nakakapago­d na prsoseso ng pag-apply para sa Overseas Employment Certificat­e (OEC) na kailangan nilang kunin para patunayan na sila ay mga lehitimong Pilipino.

Sinabi ni Duterte na ipapaliwan­ag niya kung paano gagamitin ng mga OFWs ang cash sa mga Christmas party sa Malacañang dahil ayaw niyang makitang nasasayang ang pera ng mga ito.

“Para we get to talk to you and give you the fundamenta­ls, the rules kung papaano gamitin iyong pera. Ito pera na ito ng lahat ng Pilipino. Kasali na kayo doon sa nag-contribute ng pera na iyan,” aniya.

“’Pag nakita kita doon sa casino, [sabay nagmura], papatayin—Hindi, biro lang iyon,” sabi ni Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines