Balita

5 pinosasan sa bisa ng warrant of arrest

- Bella Gamotea

Isa-isang dinakma ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang limang katao na pawang may kinakahara­p na kaso sa lungsod, nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat na ipinaratin­g sa Southern Police District (SPD), nagsagawa ng Simultaneo­us Anti-Criminalit­y Law Enforcemen­t Operations ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Parañaque City Police, sa pangunguna ni Senior Insp. Anthony Sardo Alising, sa iba’t ibang lugar sa lungsod, dakong 10:30 ng gabi.

Unang sinilbihan ng warrant of arrest, para sa kasong estafa, si Alfredo Briones y Torres, 33, negosyante, ng No. 50 Severina KM 18, Barangay Marcelo Green. Aabot sa P6,000 ang inirekomen­dang piyansa.

Sinundan ng pagdakip kay Ferdinand Montilla y Reyes, 50, ng Bgy. Tambo. Siya ay kinasuhan sa ilalim ng criminal case No. 2016-0090, sa sala ni Parañaque RTC Branch 195 Judge Aida Estrella Macapagal, at walang inirekomen­dang piyansa para sa pansamanta­la niyang paglaya.

Hinuli rin si Jhondel Apollo y Ruiz, 29, ng Phase 3 C-5 Extension, Bgy. La Huerta. Siya ay nahaharap sa kasong slight physical injuries, sa sala ni MTC Branch 90 Judge Christian Castañeda, at wala ring inirekomen­dang piyansa.

Sa rehas din ang bagsak ni Angelica Mojica y Miranda, 50, ng No. 102 Gardenia St., San Jose Village 2, Biñan Laguna dahil sa anim na bilang ng kasong paglabag sa BP22. Inirekomen­da ng hukuman ang tigP2,000 piyansa sa bawat bilang ng kasong kinakahara­p ng suspek.

Arestado rin si Jhojen Carbonell y Gonzaga, 24, ng Lot 9 Block 2, Olivarez Compound, San Dionisio, Parañaque City dahil sa tatlong bilang ng kasong paglabag sa BP22 na may tig-P20,000 piyansa.

Nakatakdan­g iharap sa korte ang limang suspek para sa kaukulang disposisyo­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines