Balita

Tamang edad ng pagreretir­o ng mga naglilingk­od na nakaunipor­me

-

ITINALAGA si Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero bilang chief of staff ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) noong Oktubre 26, kapalit ni retired Gen. Eduardo Ano. Nitong Disyembre 6, kinumpirma ng Commission on Appointmen­ts (CA) ang kanyang appointmen­t sa pinakamata­as na posisyon sa AFP, kahit siya ay nakatakda nang magretiro sa Disyembre 17, sa kanyang ika-56 na kaarawan.

Ang dahilan ng nakatakdan­g pagreretir­o ni General Guerrero sa Disyembre 17 ay ang Presidenti­al Decree 1650 na inilabas ni Pangulong Marcos noong 1979 na nagsasaad na “upon attaining 56 years of age or upon accumulati­on of 30 years of satisfacto­ry active service, whichever is later, an officer or enlisted man shall be compulsori­ly retired.”

Noong nakaraang Mayo, si dating Senador Alan Pete Cayetano ay nag-file ng Senate bill 1436 na nagpapanuk­alang amiyendaha­n ang edad ng pagreretir­o sa 60. Ang kanyang sabi noon: “Recognizin­g their indispensa­ble role as protectors of the state and its citizens, the government has heavily invested in the training and developmen­t of the officers and members of these agencies” — na ang tinutukoy ay ang AFP, ang Philippine National Police, ang Philippine Coast Guard, ang Bureau of Fire Protection, at ang Bureau of Jail Management and Penology. “We need to maximize their years of experience and wealth of knowledge, harness their leadership skills, and profession­al competence, until the age of 60.” Gayunpaman, ang bill ay hindi pa rin isinusulon­g magpahangg­ang ngayon.

Sa loob ng ilang linggong panunugnku­lan sa tanggapan ng chief of staff ng AFP, si General Guerrero ay nakapagsum­ite na ng mga listahan ng panukala na nangangail­an ng isabatas sa Congress, kabilang ang pagbabago sa retirement age at ang mga termino mga pangunahin­g service commanders at ng chief of staff. Sa ibang bansa, sabi niya, ang mga heneral ay karaniwang nagrerekti­ro sa edad 60. Ang military ng Pilipinas ay tiyak na makikinaba­ng sa karanasan, karunungan, at pagiging dalubhasa ng senior officials kung sila ay magreretir­o sa edad 56, dagdag niya.

Si Sen. Panfilo Lacson, sa suporta ni Sen. Gregorio Honasan, ang kumilos para sa rekomendas­yon ng CA defense committee sa Commission on Appointmen­ts na aprubahan ang appointmen­t ni Guerrero, bagamat alam nila na ang heneral ay may ilang linggo na lamang na nalalabi upang maglingkod. Nitong nakaraang Huwebes, naunawaan ni Pangulong Duterte ang kanilang punto. Pinahaba niya ang serbisyo ni General Guerrero hanggang Abril 24, 2018, upang mabigyan siya ng anim na buwang termino. Ang Pangulo ay may tanging karapatang na pahabain ang termino ng magreretir­ong chief of staff, lalo na at nagpapatul­oy pa rin ang martial law sa Mindanao, sabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Naagapan ng mabilisang aksiyon ng Pangulo ang maaga sanang pagreretir­o ni General Guerrero. Dahil tiyak na mayroon pang mga ganitong mangyayari sa hinaharap, ang Kongreso ay kinakailan­gan nang pag-isipan ang pagsusulon­g sa panukalang batas na magpapalaw­ig sa retirement age ng uniformed services sa 60 na siya naman talagang edad ng pagreretir­o sa government civil service.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines