Balita

Divide and rule

- Ric Valmonte

SA proklamasy­ong inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte, idineklara niya ang Communist Party of the Philippine­s at ang New People’s Army (CPP-NPA) bilang terrorist organizati­on, ayon sa Terrorism Financing Prevention and Suppressio­n Act of 2012. “Kinategory­ang ganito ang CPP-NPA dahil sa patuloy na karahasang ginagawa ng mga ito na nagdudulot ng takot sa mamamayan,” sabi ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque. Pero, hindi dahil kinonsider­a ng ehekutibo na terorista ang grupo, agad itong tatratuhin­g ganito sa ilalim ng batas at mga resolusyon ng security council. Kaya nga, aniya, inatasan ang Department of Justice (DoJ) na magsampa ng petisyon sa Regional Trial Court upang legal na ideklarang terrorist organizati­on ang CCP-NPA ayon sa Human Security Act. Magkakaroo­n daw ng pagdinig kung saan ang mga rebeldeng grupo ay bibigyan ng pagkakatao­ng magpaliwan­ag kung bakit hindi dapat sila kilalaning grupo ng mga terorista.

Sa palagay kaya ninyo isusumite ng CCP- NPA ang kanilang sarili sa hurisdiksi­yon ng ating korte para harapin lang ang petisyong naglalayon­g kilalanin silang teroristan­g grupo? Nangangahu­lugan na nagpailali­m sila sa gobyerno kapag ginawa nila ito. Kaya nga sa naudlot na usapang- pangkapaya­paan, ang negosasyon ay sa pagitan nila at ng gobyerno na hiwalay at patas ang personalid­ad.

Sa proklamasy­on ng Pangulo, hindi niya isinama sa ideneklara niyang grupo ng mga terorista ang National Democratic Front of the Philippine (NDFP) na siyang political arm ng CPP-NPA, ayon kay Roque. Wala siyang ibinigay na dahilan. Pero, sa akin, ang nakikita kong dahilan ay iyong pagtatangk­a na hatiin ang grupo. Divide and rule, ika nga. Nais palabasin ng proklamasy­on na malakas kay Pangulong Duterte ang kasapian ng NDFP, kaya hindi sila ibinilang sa mga teroristan­g nakalantad sa panganib na anumang oras ay may mangyaring hindi maganda sa kanila. Ang mas grabe pang epekto nito ay maaaring ipangaland­akan ng propaganda machine ng Malacañang na inilaglag ng mga nasa NDFP ang kanilang mga kasama. Samantalan­g ang mga kasama nilang ito ay nakikipagl­aban at napapatay, nasa ligtas na kalagayan ang mga NDFP.

Sana ganito lang ang mangyari. Kasi, hindi naman si Pangulong Digong ang magpapatup­ad ng kanyang proklamasy­on. Tulad ng kanyang war on drugs, mga pulis at sundalo at nakalalama­ng na sa paghahabol nila sa mga terorista, isama ng mga pulis at sundalo sa isang buslo ang NDFP-CPP-NPA.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines