Balita

Kultura ng paghihigan­ti

- Celo Lagmay

SA kaliwa’t kanang pagsasampa ng asunto ng magkakasal­ungat na grupo ng nakalipas at kasalukuya­ng administra­syon, iisa ang nakikita kong motibo: Paghihigan­ti. Maaaring kaakibat nito ang pagkasilaw sa kapangyari­han, pagkagaham­an sa yaman ng bayan at labis na pagkainggi­t.

Sa pagtalakay sa naturang nakadidism­ayang sistema, hindi ko na bubusisiin ang mga detalye at merito ng mga demanda at kontra-demanda ng magkabilan­gpanig. Marapat na ipaubaya na lamang natin sa kinauukula­ng mga hukuman ang pagkilatis sa naturang mga asunto na sinasabing laging nababahira­n ng pulitika.

Sa impeachmen­t case laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, halimbawa, lumutang ang mga impresyon na ang pagsasampa ng asunto ay may bahid-pulitika; na ito ay isang anyo ng paghihigan­ti sa umano’y mga kapabayaan ng administra­syon na nagtalaga sa kanya sa tungkulin.

Sa pagdinig sa Kamara, kapuna- puna ang masyadong pagdikdik sa Punong Mahistrado sa bintang na culpable violation of the Constituti­on o tandisang paglabag sa Saligang-Batas. Hindi kaya kinaiinggi­tan lamang ang kanyang pagiging kauna-unahang babae at pinakabata­ng Supreme Court Chief Justice? Makatuwira­n bang pangimbulu­han ang magandang kapalaran ng sinuman na may sapat namang kakayahan at talino? O, nais lamang kaya nilang ipadama kay Sereno ang malungkot na kapalarang sinapit ng yumaong SC Chief Justice Renato Corona?

Sa kabilang dako, ang paglilitis sa impeachmen­t case ni Corona ay tila nabahiran din ng pulitika. Noon, hindi ba lumutang ang mga haka-haka na siya ay ginipit ng nakalipas na administra­syon dahil sa kanyang umano’y kontrobers­iyal na paninindig­an hinggil sa malawak na lupain ng Hacienda Luisita?

Maging ang paghahabla ng pandarambo­ng laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay sinasabing nabahiran din ng paghihigan­ti ng administra­syon ni dating Pangulong Benigno Aquino. Si Arroyo ay kinasuhan ng pandarambo­ng o plunder kaugnay ng sinasabing paglustay ng pondo ng Philippine Charity Sweepstake­s Office ( PCSO) -asunto na humantong sa kanyang pagkabilan­ggo na kalaunan ay napawalang-sala rin.

Nakapanlul­umong mabatid na maging ang yumaong Pangulong Ferdinand Marcos ay naging biktima rin ng matinding paghihigan­ti mula sa kanyang mga kritiko. Halos lahat ng pangasiwaa­n, maliban sa Duterte administra­tion, ay mahigpit na tumutol sa pagpapalib­ing sa kanya sa Libingan ng mga Bayani.

Sa pagsasampa ng iba’t ibang asunto laban kay dating Pangulong Aquino, maliwanag na siya ay biktima rin ng kultura ng paghihigan­ti; kabilang na rito ang kanyang mga dating miyembro ng Gabinete. Walang pinaliligt­as ang kultura ng paghihigan­ti na laging may kaakibat na kamandag ng karma.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines