Balita

2 Chainz, dismayado sa pangbabale­wala ni Eminem

-

NAGPAHIWAT­IG ang rapper na si 2 Chainz na hindi niya nagustuhan ang pumalpak na collaborat­ion nila ni Eminem at hindi nagawang umabot sa final cut para sa kanyang upcoming na Revival album.

Una nang nagbigay ng kaunting detalye ang I’m Different hitmaker tungkol sa awitin na inirekord niya kasama ang hip- hop star back noong Hulyo, at iginiit na kaabang-abang ang awitin.

“He let me hear this song and it was funny,” lahad ni 2 Chainz. “I heard some things in there where his vernacular was 2 Chainz- y. It was crazy.”

Gayunman, nang ilabas na ang opisyal na tracklist para sa

Revival nitong Martes online, hindi natagpuan ang pangalan ni 2 Chainz – at nag- post siya sa Instagram upang ibahagi ang kanyang pagkadisma­ya.

Muli siyang nag-post ng listahan ng mga kanta, at makikita ang collaborat­ions niya kasama sina Beyonce, Pink, Ed Sheeran, at Alicia Keys, at gumamit siya ng galit na emoji, upang ipakita ang kanyang pagkadisma­ya.

Hindi binanggit ng 40 taong gulang ang titulo ng kanta na ginawa niya kasama si Eminem, ngunit kamakailan ay nagsuhesti­yon ang New York rapper na si Phresher na ang kanta ay Chlorasept­ic – na nakalistan­g pangatlo pg sa album, ngunit hindi binigyan ng credit si 2 Chainz. Sa panayam sa This Is 50, ipinaliwan­ag ni Phresher, na binigyan ng credit sa track, kung paano siya naging inspirado na mas paghusayan ang kanyang pagsusulat nang marinig ang inirekord ni 2 Chainz. “They (Eminem and his producers) were like, ‘Oh, you know, 2 Chainz is on the record too. Listen to his verse,’” aniya. “And I’m like, now we’re playing.” Hindi pa nagpapaliw­anag si Eminem hinggil sa pagbalewal­a kay 2 Chainz sa Revival. Ang album, ang kanyang una sa loob ng apat na taon, ay nakatakdan­g ilabas sa susunod na linggo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines