Balita

Benilde Blazers, naglalagab­lab sa NCAA football

- Marivic Awitan

DINUROG ng College of St. Benilde ang Emilio Aguinaldo side, 11-1, upang pumailanla­ng sa tuktok ng standings habang na-upset ng Arellano University ang reigning titlist San Beda, 2-1, upang umangat sa No. 2 spot ng ginaganap na 93rd NCAA seniors football tournament sa Rizal Memorial pitch nitong Huwebes.

Pinangunah­an nina Vincent Erik Lovitos at Daniel Caesar Liozo ang pananalasa ng Blazers sa first half pa lang upang solohin ang pangingiba­baw sa taglay na 10 match points mula sa tatlong panalo at isang draw.

Bukod sa dalawa, umiskor din ng goal para sa CSB sina Renz Joseph Tulayba , Nicolas Ryan Cruz, Miguel Alfonso Artillera at Moisel Angelo Alforque.

Nakaiwas ang Generals sa shutout sa pamamagita­n nina Luther John Contreras na umiskor sa injury time.

Ngunit, nasapawan ang kanilang panalo ng Arellano University, na bumangon mula sa one-goal deficit para agawin ang panalo sa injury time sa pamamagita­n ng goals nina Roberto Corsame at Charles Gamutan.

Naka-goal si Mark Anthony Magtoto sa ika-61 minuto at tila hawak na ng San Beda and panalo makaraang mapreserba ang lamang hanggang extra time.

Ngunit, naitabla ni Corsame ang laban sa ika-91 minuto bago nakaiskor si Gamutan ng matchclinc­hing goal, dalawang minuto ang nakalipas.

Bumagsak ang San Beda, nagmamay - ari sa 14 sa huling 16 na titulo sa liga sa ikatlong puwesto na may 6 na puntos, dalawang puntos ang kalamangan sa Lyceum na namayani naman sa University of Perpetual Help, 1-0 .

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines