Balita

Tuloy sa ere ang PBA 43rd Season

- Marivic Awitan

SA kabila ng kinakahara­p na gusot, tuloy ang pagbubukas ng ika-43 season ng PBA sa Disyembre 17.

Kaugnay nito, naglabas ang liga ng partial game schedule para sa season opener 2018 PBA Philippine Cup kabilang ang mga unang laro sa eliminatio­n round at may lagda ng kontrobers­yal na PBA Commisione­r Chito Narvasa.

Magsisimul­a ang season sa pamamagita­n ng isang laro tampok ang reigning 3-time All-Filipino champion San Miguel kontra Phoenix ganap na 6:45 ng gabi matapos ang opening ceremony ganap na 4:00 ng hapon sa Araneta Coliseum.

May mga laro rin sa mismong araw ng Pasko tampok ang tapatang NLEX at Globalport gayundin ang crowd favorite Ginebra at Magnolia sa Philippine Arena sa Bocaue.

Sa iba pang laro, magtatapat ang NLEX at KIA sa Disyembre 20 sa PhilSport Arena na susundan ng salpukan ng Magnolia at Alaska.

Kasunod nito, magtutuos ang Blackwater at Meralco sa Disyembre 22 sa Cuneta Astrodome habang magsasagup­a naman sa ikalawang laro ang Rain or Shine at TNT Katropa.

Pagkatapos ng Christmas Day duel, babalik ang aksiyon sa Araneta Coliseum sa Disyembre 27 kung saan maghaharap ang Phoenix at Kia na susundan ng pagtatapat ng Meralco at San Miguel .

Para sa huling laro sa 2017 , gaganapin ito sa Disyembre 29 sa Cuneta Astrodome kung saan magtutungg­ali ang Blackwater at Rain or Shine na susundan ng bakbakan ng TNT at Alaska.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines