Balita

Martial law extension ilegal—ex-SolGen

- Jeffrey G. Damicog

Nagbabala kahapon si datinb Solicitor General Florin Hilbay na ang pagpapalaw­ig sa batas militar na umiiral sa Mindanao ay labag sa batas.

“It’s unconstitu­tional to extend martial law in Mindanao long after government had declared victory,” saad ni Hilbay sa kanyang Twitter account.

Oktubre 23 nang ideklara ni Pangulong Duterte ang tagumpay ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) sa pagtataboy sa mga teroristan­g Maute-ISIS sa Marawi City, eksaktong limang buwan makaraang tinangka ng mga itong kubkubin ang siyudad. Ipinaalala ni Hilbay na ang tanging dahilan kaya nagdeklara ng batas militar sa Mindanao ay dahil sa paglusob ng Maute sa siyudad noong Mayo 23.

“The Constituti­on requires actual invasion/rebellion,” diin ng dating SolGen.

Nagpahayag ng pangamba si Hilbay na ang pagpapalaw­ig pa sa martial law sa Mindanao ay maaaring mauwi sa pagpapaira­l nito sa buong bansa.

“If we allow martial law extension in Mindanao on fake grounds, we make it easier to declare nationwide martial law on another fake basis,” paliwanag niya.

Kapwa isinusulon­g ng militar at pulisya ang pagpapalaw­ig muli sa batas militar sa Mindanao, na magtatapos sa Disyembre 31, 2017.

Ito, ayon sa militar, ay upang matiyak ang kaligtasan sa Mindanao laban sa banta ng mga natitirang terorista, armadong grupo, at mga rebeldeng komunista.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines