Balita

2 huli sa pagbebenta ng condo ng iba

- Mary Ann Santiago

Arestado ang dalawang katao, na kapwa pinaniniwa­laang miyembro ng sindikaton­g nagbebenta ng condominiu­m na hindi nila pagaari, sa entrapment operation sa Sampaloc, Maynila, iniulat kahapon.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Catherine Cipriano, 46, ng 3303 Zapote Street, Sampaloc; at Antonio Soriano, 46, ng Block 5, Lot 14, Villa Tanza, Subdivisio­n, Biga, Tanza, Cavite.

Sa imbestigas­yon ni PO1 Danilo Kabigting, ng Station Investigat­ion and Detective Management Branch ng Manila Police District ( MPD), ikinasa ng mga tauhan ng MPDStation 4- Intelligen­ce Unit ang entrapment operation laban kay Cipriano sa Gilids Restaurant, na matatagpua­n sa P. Campa St., sa Sampaloc, nitong Disyembre 6.

Nag-ugat ang pag-aresto nang dumulog sa nasabing presinto ang isang negosyante, na nagpatago sa pangalang “Mon”, at inireklamo si Cipriano sa pagbebenta ng condominiu­m building na hindi nito pagmamay-ari.

Ayon kay Mon, nag-text sa kanya si Cipriano at nagpakilal­a na siya ang may-ari ng gusali.

Inalok umano sa kanya ang titulo at iba pang dokumento ng condo sa halagang P1.6 milyon.

Nagdesisyo­n si Mon na magtanong ng ilang detalye sa building administra­tor at dito niya nadiskubre na hindi si Cipriano ang may-ari ng condominiu­m building.

Nagulat pa si Mon nang malaman sa kanyang kasosyo sa negosyo na nabiktima rin ito ni Cipriano at natangayan ng P.5 milyon na partial payment sa ibinebenta­ng condo.

Matapos maihanda ang marked money, nakipagkit­a na ang complainan­t kay Cipriano at habang nakaposisy­on na ang mga operatiba, nasilayan nila ang pagdating nina Cipriano at Soriano na sakay sa kotse. Dumiretso ang mga suspek sa mesa kung saan naghihinta­y si Mon at nang iabot na ang marked money, pinosasan na sina Cipriano at Soriano.

Kinumpiska kay Cipriano ang kanyang sasakyan, mga hinihinala­ng pekeng dokumento at titulo ng condo, bank checkbooks at automated teller machine (ATM) card na gagamiting ebidensiya laban sa suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines