Balita

Paghahanda sa pagdating ni Kristo

- Fr. Anton Pascual

KAPANALIG, ngayong panahon ng Adviento, mainam na masuri natin ang ating buhay bilang paghahanda sa pagdating ni Kristo.

Paggising sa umaga, tayo ay laging nagmamadal­i. Kailangan maunahan natin ang traffic, dahil kung hindi, dalawang oras o mahigit na naman tayong maiipit sa kalye. Late na naman tayo. Kaya lang, isa tayo sa mga may dalang sasakyan sa Metro Manila na lalong nagpapabag­al sa daloy ng trapiko. Ayon nga sa isang pag-aaral ng American Consulting Group na Boston Consulting, maaaring umabot sa standstill levels ang traffic sa Metro Manila pagdating ng 2022.

Ang carrying capacity ng EDSA ngayon ay 6,000 vehicles kada isang direksiyon sa bawat oras. Ngayon, nasa 7,500 na ang dumaraan dito kada isang direksiyon bawat isang oras. Sa gitna nito, patuloy pa rin ang pagdami ng mga sasakyan. Tumaas pa nga ng 16% ang car sales ngayong Oktubre. Kaya nga minsan, sa gitna ng iyong pagmamadal­i, matatanong mo sa iyong sarili, may kahulugan pa ba itong pakikipags­iksikan ko sa EDSA?

Sa iyo namang pagpasok sa ekuwelahan, kung nag-aaral ka pa. May kaunting daga na sa dibdib ang marami, lalo na kung graduating. May trabaho bang naghihinta­y? Kailangan mo pa bang mag-abroad para maka- bawi kila nanay? May natutunan ba talaga ako? Anong kinabukasa­n ang naghihinta­y gayong ni hindi ko makita ang dulo ng kalyeng aking binabaybay dahil sa traffic?

Kung nagtatatra­baho ka naman, nais mo ring umakyat pa ng corporate ladder, o ‘di kaya magnegosyo para mas malaki ang kita. Doon din, may traffic. Kaya nga minsan, napapagod ka na. Dagdag pa sa mga dalahin mo ang takot na iyong nararamdam­an para sa pamilyang iyong tinataguyo­d. Iba na kasi ang panahon ngayon, kaliwa’t kanan ang patayan. May nakaambang pang mga delubyo; gaya ng climate change, the big one, etc., habang nais ipatumba ng mga pulitiko ang demokrasya sa ating bansa.

Madaling mawalan ng pag-asa, sa harap ng mga hamon natin sa buhay na tila nagnanakaw hindi lamang ng ating kapayapaan, kundi ng ating buhay. Ayon sa Evangelii Gaudium: “The culture of prosperity deadens us”.

Huwag matakot. Huwag mawalan ng loob. Ang Adviento ay simbolo ng pag-asa sa gitna ng dilim. Tinatawag tayo nito na bumalik sa simpleng buhay upang lumitaw at pumaimbaba­w ang tunay na pag-ibig. Binibigyan­g kahulugan nito ang buhay ng lahat ng nananalig. Kaya sana, sa gitna ng kalituhan sa ating lipunan, magbalik tayo sa sabsaban ngayong panahon ng Pasko at makita na sa kapayakan, mas ramdam ang kahulugan ng buhay.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines