Balita

Ona idinawit ni Garin sa Dengvaxia issue

- Nina CHARINA CLARISSE L. ECHALUCE at MARY ANN SANTIAGO

Ipinagdiin­an ni dating Health Secretary Janette Garin na ang dengue immunizati­on program, kung saan ginamit ang bakunang Dengvaxia, ay hindi niya sariling desisyon; sinabing ang inisyatibo ay inanunsiyo ng kanyang hinalinhan­g si Enrique Ona sa panunungku­lan nito.

Sa isang panayam sa telebisyon ( ANC), nilinaw ni Garin na nagsimula ang talakayan sa dengue vaccine noong 2010, noong panahon ni dating-Department of Health (DoH) Secretary Ona.

Kinumpirma niya na ang Dengvaxia ng Sanofi Pasteur ang ikinonside­ra noong panahong iyon.

“Hindi po ito decision na ako lang. Hindi po ito sinimulan lang noong pagpasok ko noong 2014. I think June or July, Secretary Ona already announced na magkakaroo­n ng bakuna ng dengue by 2015, probably middle, and the department is contemplat­ing putting it in their public health program, pero sinabi rin niya na wala pa ‘yung presyo at ‘di pa napag-uusapan,” aniya.

“It started during his time,” dugtong niya.

Nitong Nobyembre 30, ipinahayag ng pharmaceut­ical company Sanofi Pasteur na, “The analysis confirmed that Dengvaxia provides persistent protective benefit against dengue fever in those who had prior infection.... For those not previously infected by dengue virus, however, the analysis found that in the longer term, more cases of severe disease could occur following vaccinatio­n upon a subsequent dengue infection.”

Isang araw matapos ang anunsiyo ng Sanofi, pinatigil ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbabakun­a.

EX-PNOY, GARIN IPINAGTANG­GOL NI DUQUE

Ipinagtang­gol ni Health Secretary Francisco Duque III sina dating Pangulong Noynoy Aquino at Garin hinggil sa isyu ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Duque, naniniwala siyang hindi dapat sisihin sina Aquino at Garin sa kontrobers­iya.

Aniya, base sa feedback at documentar­y evidence, sinunod nina Aquino at Garin ang tatlong guidelines ng World Health Organizati­on (WHO) sa paggamit ng Dengvaxia.

GAGAWIN SA NATITIRANG DENGVAXIA

Hihintayin muna ng DoH ang report ng WHO bago tuluyang magdesisyo­n kung ano ang kanilang gagawin sa stock ng Dengvaxia.

Ayon kay Duque, posibleng mailabas ng WHO ang kanilang report hinggil sa Dengvaxia ngayong Lunes o Martes.

“Magandang hintayin muna natin ang report ng WHO na maaaring makatutulo­ng sa ating pagpapasya,” ani Duque.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines